Description
Ang seryeng Salimbay ay tugon sa mga kahingian ng Kagawaran ng Edukasyon para sa
bagong K-12 Curriculum sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Magsisilbi itong kasangkapan sa
pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral tungo sa pagkakaroon ng pambansang
pagkakakilanlan, kaalaman sa kultura, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Ang Salimbay ay nangangahulugang lumipad, lumutang, o pumailanlang upang maabot ang
napakataas na antas. Kaya ang seryeng ito ay kumakatawan sa pagtupad ng mataas na adhikaing
mapayabong ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng wika at panitikang
Filipino.